Wednesday, July 27, 2011

Hudhud: Summary of the tale of Aliguyon

This is a summary of a long tale chanted during the harvest in Ifugao.

Once upon a time, in a village called Hannanga, a boy was born to the couple named Amtalao and Dumulao. He was named Aliguyon. He was an intelligent, eager young man who wanted to learn many things, and indeed, he learned many useful things, from the stories and teachings of his father. He learned how to fight well and chant a few magic spells. Even as a child, he was a leader, for the other children of his village looked up to him with awe.
         
Upon leaving childhood, Aliguyon betook himself to gather forces to fight against his father’s enemy, who was Pangaiwan of the village of Daligdigan. But his challenge was not answered personally by Pangaiwan. Instead, he faced Pangaiwan’s fierce son, Pumbakhayon. Pumbakhayon was just as skilled in the arts of war and magic as Aliguyon. The two of them battled each other for three years, and neither of them showed signs of defeat.
         
Their battle was a tedious one, and it has been said that they both used only one spear! Aliguyon had thrown a spear to his opponent at the start of their match, but the fair Pumbakhayon had caught it deftly with one hand. And then Pumbakhayon threw the spear back to Aliguyon, who picked it just as neatly from the air.
         
At length Aliguyon and Pumbakhayon came to respect each other, and then eventually they came to admire each other’s talents. Their fighting stopped suddenly. Between the two of them they drafted a peace treaty between Hannanga and Daligdigan, which their peoples readily agreed to. It was fine to behold two majestic warriors finally side by side.    
Aliguyon and Pumbakhayon became good friends, as peace between their villages flourished. When the time came for Aliguyon to choose a mate, he chose Pumbakhayon’s youngest sister, Bugan, who was little more than a baby. He took Bugan into his household and cared for her until she grew to be most beautiful. Pumbakhayon, in his turn, took for his wife Aliguyon’s younger sister, Aginaya. The two couples became wealthy and respected in all of Ifugao.

Tagalog
Isang araw, noong unanang panahon, sa nayon ng Hannanga, ang mag-asawang Amtalao at Dumulao ay nabiyayaan ng isang anak na lalaki. Ang pangalan niya ay Aliguyon. Siya ay matalino at masipag matuto ng iba’t ibang bagay. Katunayan, ang napag-aralan niyang mahahalaga mula sa mga kasaysayan at pangaral ng kanyang ama ay marami. Natuto siya kung paano makipag-bakbakan nang mahusay, at paano umawit ng mga mahiwagang gayuma. Kaya kahit nuong bata pa, tiningala na siya bilang pinuno, at hanga ang mga tao sa kanya.
Nang mag-binata si Aliguyon, ipinasiya niyang sagupain si Panga'iwan, ang kaaway ng kanyang ama, sa nayon ng Daligdigan. Subalit ang sumagot sa kanyang hamon ay hindi si Panga'iwan. Ang humarap sa kanya ay ang mabangis na anak nito, siPumbakhayon, marunong ng hiwaga at bihasa rin sa labanan tulad niAliguyon.
Hindi naaling, pinukol ni Aliguyon ng sibat si Pumbakhayon. Kasing bilis ng kidlat, umiktad si Pumbakhayon upang iwasan ang sibat at, kagila-gilalas, sinalo sa hangin ang sibat ng isa niyang kamay! Wala pang isang kurap ng mata, binaligtad ni Pumbakhayon ang sibat at hinagis pabalik kay Aliguyon. Umiwas din si Aliguyon at sinalo rin ng isang kamay sa hangin ang humahagibis na sibat. Binaliktad din niya at ipinukol uli kay Pumbakhayon.
Pabalik-balik at walang tigil, naghagisan at nagsaluhan ng sibat siAliguyon at Pumbakhayon hanggang umabot ng 3 taon, hindi pa rin tumigil ang bakbakan, at walang nagpakita ng pagod o pagsuko. Subalit sa bangis at dahas ng kanilang paghahamok, kapwa sila humanga sa giting at husay ng kalaban, at pagkaraan ng 3 taong bakbakan, natuto silang igalang ang isa’t isa.
Biglang bigla, tumigil sina Aliguyon at Pumbakhayon at nahinto, sa wakas, ang bakbakan. Nag-usap at nagkasundo sila ng payapa (paz, peace) ng kanilang nayon ng Hannanga at Daligdigan. Buong lugod na sumang-ayon lahat ng tao sa 2 nayon, at ipinagdiwang nila ang kampihan ng 2 bayani.
Sa paglawak ng katahimikan, umunlad ang dalawang nayon. Naging matalik na magkaibigan sina Aliguyon at Pumbakhayon. Nang sapat na ang gulang ni Aliguyon, pinili niyang asawa si Bugan, ang batang-batang kapatid na babae ni Pumbakhayon. Inalagaan niya sa bahay si Buganhanggang lumaki itong napaka-gandang dalaga.
Ang pilining asawa naman ni Pumbakhayon ay ang kapatid na babae ni Aliguyon, si Aginaya. Ang dalawang pamilya ay yumaman at iginalang ng lahat sa Ifugao.

11 comments:

Unknown said...

love it! nice one!

Merpea Condez said...

Thank you for posting it.. May maisasagot na ako sa klase namin ;)

Unknown said...

sino ba author nyan ? plss reply

Unknown said...

sino po ba yung author nyan? pllss reply

Unknown said...

sino po ba yung author?






Anonymous said...

thank you very muc!! Mas maintondihan ko na..

Anonymous said...

Salamat sa nagpost nito. May masasagot na ko sa exam namin bukas.

Anonymous said...

Enter your comment...its a very nice epic

Anonymous said...

WOW just what I was looking for. Came here by searching for visit here

Anonymous said...

Excellent post. I was checking constantly this blog
and I am impressed! Extremely helpful information specially
the last part :) I care for such info a lot. I was looking for this particular info ffor a
long time. Thank you and best oof luck.

Anonymous said...

Thank you for sharing your info. I truly appreciate your efforts and I will be waiting for your next post
thank you once again.